Wednesday, August 12, 2009
Matagal tagal na akong di nagsususlat na gamit ang wikang tagalog pero ngayon gusto ko ulit subukan. =p
Mga ala-ala ng aking pagkabata...
1. Naaalala ko pa noong nasa kindergarten pa ako, kapag mayroon akong sakit ay nauupo sa likod ng klase ang nanay ko may dala dalang magnolia chocolate drink at saka mustard cake.
2. Alam ko na ang tungkol sa "bawal na gamot" at takot ako dito o makakita ng gumagamit nito.
3. Ang unang pagkakamaling natatandaan ko ay kulayan ng pula ang lobo na pinapakulayan ng dilaw.
4. Sa paghahanda sa Unang Baitang, hindi ako pumasok sa dating paaralan ng mga kapatid ko kasi napahiya ang tatay ko sa mga guro doon (pinagmamalaki nya kasi ako, valedictorian kasi ako nong nagtapos ako ng kinder), ang basa ko kasi sa bulaklak ay "bukalkal". =p
5. Paborito ako ng guro ko nong nasa Unang Baitang ako. Hinihiram pa nga nya mga supel ko. Sinasama nya ko minsan sa bahay nila na malapit lang sa eskwela kapag recess na ara makanood ako ng Batibot.
6. Umiiyak ako kapag lumiliban sya sa klase na madalas mangyari. Inililipat kami sa ibang klase at takot na takot ako sa ibang guro.
7. Paborito namin ng nanay ko bumili ng monggo malapit sa eskwela, pati na din stick-o nong nauso ito at saka itlog ng pugo. Hay...
8. Minsan pag uwi ko sa bahay may regalong damit na pambahay sa akin ang nanay ko, pinabuksan nya lang saking yung aparador ko. Tuwang-tuwa ako!
9. Lagi din ako binibili ng nanay ko ng cake. Minsan nga inaway nya pa yung tindahan kasi sobrang liit nung hiwa ng cake.
10. Paborito ko din bumili nung mamon na may nips sa ibabaw sa harap ng eskwela ko pati na din yung pandesal na may maling na palaman.
11. Nag lyre ako nong nasa ikatlong baitang ako. Ang saya, pag pasko namamasko kami. May mga paligsahan din at twing Sabado, may ensayo kami. Minsan nga naghahabulan pa kami s aloob ng paaralan. =p
12. Nong nasa ika apat na baitang ako, sinama na ako sa Journalism class. Dun na nagsimula ang ulcer ko, nalilipasan kasi ako minsan ng gutom.
13. Minsan din pinapaiwan ako o di kaya pinapabalik ako ng guro ko para lamang magsulat ng kung anu-ano sa wikang Ingles.
14. Hatid sundo ako hanggang ika anin na baitang.
15. Nung nauso ang family computer, kahit taghirap kami noon, binili pa din ako ng nanay ko kasi sakitin ako. hehe. 1,200 lang ang bili namin, mas mura sa inakala nya kaya bumili din kami ng radyo.
16. Paborito kong laruin ay titser-titseran at kunwari mayaman na nag hohotel at nag kokotse at paper dolls na gawain ko hanggang mataas na paaralan.
17. Gustong-gusto ko kapag may film showing at ska kapag pinapayagan ako pumunta sa silid-aklatan ng nanay ko.
18. Ako ang tagalista ng maingay sa klase kasi tahimik ako.
19. Mahilig ako sa mamahaling panulat tulad ng pilot at sailor. Nung minnsang nawala ang sailor ko, umiyak ako ng walang tigil, nakakahiya, binigyan tuloy ako ng guro ko ng pera para pambili, na ibinalik ko naman kinabukasan, pinagalitan kasi ako ng nanay ko.
20. Gustong-gusto ng mga kakalase ko ang kaarawan ko dahil sa spaghetti ng nanay ko.
Pwede bang ituloy ko na lang, kainan na kasi!? =p
Hanggang sa susunod!

0 comments:
Post a Comment